.comment-link {margin-left:.6em;}

CDC-ME

CDC - Middle East Activities

Friday, June 02, 2006

 

Sadik!

NASA ILALIM ng isang trak na pick-up si Ruben. Nakahiga siya sa isang platapormang degulong habang hinihigpitan niya ang kaha ng transmisyon. Naramdaman niyang tumatayo ang balahibo sa kanyang batok. “Pinapanood mo na naman ako, Habib?” sabi niya, habang patuloy na nakatingin sa ginagawa. “Aiwa, Sadik.” Sa bandang ulunan niya nanggaling ang sagot. Tumingala siya at nakitang sinisilip siya ng Arabong tsuper. “Salaam, ya Pilipini. Keef-halak alyoom?” “Mabuti naman, Habib. At ikaw?” “Tayyib, ilhamdulilah.” Mabuti rin, sa awa ng Diyos. Lumipat siya sa gilid ng sasakyan at dumapa sa sahig upang lalong masuri ang inaasikaso ni Ruben. “Kayong mga Pilipino, hanga ako sa inyo.” “Bakit mo nasabi iyon?” “Sa lahat ng mga banyaga dito, kayo ang pinakamasipag. At marami kayong alam. Marami kayong laman dito sa itaas.” Tinapik niya ang kanyang ulo. “Wajid mukk! Ikaw halimbawa, lagi kang maagang pumasok. Pagpasok naman, trabaho kaagad! Samantalang ‘yung iba diyan — mga Pakistani, mga Yemeni — isang oras munang iinom ng tsa at magkukwentuhan. Sabi ni Oscar ay dalawa daw ang trabaho mo sa Pilipinas, totoo ba iyon?” [ebook in PDF] Novel By: Noel De Leon related: [1]

Labels: , ,






<< Home

Archives

11.04   12.04   01.05   02.05   03.05   05.05   06.05   07.05   08.05   09.05   10.05   11.05   12.05   01.06   04.06   05.06   06.06   07.06   08.06   10.06  

This page is powered by Blogger. Isn't yours?